Pilipinas


Dear Pilipinas,

You're so frustrating! I've decided to make this post tagalog so that non-filpinos won't understand this.

Hay. Pilipinas, nakakafrustrate ka. Anong nangyayari sayo? Hindi ko alam kung paano pa tayo babangon. Wala na atang magandang balita sa radyo at t.v.

Mga Pulis na dapat sila ang nagtatangol sa atin pero sila pa ang nangunguna sa krimen at kasamaan.

Pitong taong gulang na bata ginahasa at pinatay.

Riding in Tandem na walang sawang mangholdap at pumatay. Dukutan. Nakawan. Holdapan.

Malaking kaltas sa maliit na sweldo. Tayo ang isa sa pinakamalaki at madaming klase ng buwis. Pero Araw bakit di tayo umaangat?

Bakit sira padin ang ating mga kalye. Mabilis na pagbaha kapag umuulan. Mapangit na sistema sa mga ospital. Mababang level ng estudyante.

Mga korup na lider ng bansa. Lider na sila lang ang yumayaman at patuloy na nagpapayaman gamit ang kaban ng bayan.

Araw na pasakit mula sa Pila sa MRT siksikan pagpasok sa Tren at Traffic sa mga pangunahing lansangan. Wala kang magawa dahil kailangan mo ung danasin araw araw. Wala kang magawa dahil kailangan mong kumita. Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong magsurvive.

Kanina, Sinigawan ko yung guwardya sa MRT dahil sa magulong sistema ng Pila. Oo hindi ko dapat ginawa yun. Kasi yun lang ang kaya niang gawin..

Pero sino ba ang dapat sisihin ko? Sino ba dapat ang sisiihin ng mga Pinoy. Ano pa ba ang dapat naten gawin? Ano pa???

Nagmamahal,



J, CPA

Comments

Popular posts from this blog

Accounting with Excellence

Surviving Sagada. Wiw!

risk?